ANO ANG KASAYSAYAN NITO?




Nagmula ang Batangas lomi sa putaheng pansit lomi na nagmula sa Tsina. Noong 1968, si To Kim Eng, isang Tsino na tumira sa Lipa City, ay nahilig magluto ng lomi na naiiba sa regular na lomi. Naging sikat ang lomi niya na naglalaman ng napakaraming sahog sa ibabaw kung kaya’t nagtayo siya kasama ang asawa niyang Pinay na si Natalia ng pinakaunang lomihan sa Lipa city. Simula noon, lumaganap na ang lutong lomi at unti-unting dumami ang mga lomihan sa syudad. Noong Setyembre naman nang taong 2010, ginanap ang unang Lomi Festival sa Lipa City kung saan nagpapasiklaban ang mga tao gamit ang kani-kanilang lutong Batangas lomi. Ang pyestang ito ay para mabigyang kahalagahan ang mga pagsisikap ng mga tao sa likod ng mga lomihan. Ito rin ay ang kumakatawan sa pagtangkilik ng sariling atin.

Comments