ANO NGA BA ANG BATANGAS LOMI?




Ang Batangas lomi ay isa sa mga tanyag na lutuin sa Batangas na may malapot na sabaw at makakapal na egg noodles. Naiiba ang Batangas lomi sa karaniwang lomi sa paraang wala itong sangkap na gulay. Isa sa pangunahing katangian ng Batangas lomi ay ang mga malalasa at malinamnam na sahog sa ibabaw nito tulad ng kikiam, baboy, atay, at chicharon na talagang hinahanap-hanap ng mga Pinoy. Kilala rin ang Batangas lomi sa pagkakaroon ng napakamalapot na sabaw na napakasarap kainin lalo na kung ito ay mainit pa.

Comments