PAANO ITO GINAGAWA?




Ang mga sumusunod ay ang mga sangkap na aking ginamit sa pagluto ng Batangas Lomi,
·         1 pound miki noodles
·         3 cloves bawang, tinadtad
·         1 sibuyas, tinadtad
·         1/4 pound ng lutong Kikiam
·         1/4 pound baboy, hiniwa sa maninipis na piraso
·         6 piraso ng lutong meatballs
·         3 tablespoons cassava flour na palalabnawin sa 3 tablespoons water 
·         1/4 pound ham, hiwa
·         1/4 pound pig’s liver, hiwa
·         1 1/2 tablespoons patis
·         1 tablespoon toyo
·         1 teaspoon paminta
·         6 cups pork or beef broth
·         1 cup chicharong baboy
·         1 piece itlog na hilaw
·         2 tablespoons onion leeks or scallions,
·         2 o 3 pirasong pinakuluan na itlog
·         2 tablespoons mantika

Ang Pagluto:
1.Initin ang lutuan at ibuhos ang mantika.
2.kapag mainit na ang mantika, gisahin angbawang at sibuyas.
3.lutuin ang hiwang baboy hanggang maging medium brown.
4.Isama ang atay at lutuin ng mga 2 minuto
5.Dagdagan ng patis at toyo at haluin.
6.Ilagay ang broth at pakuluin hanggang sa lumambot ang mga baboy (mga 20 minuto)
7.ilagay ang meatballs at kikiam at pakuluin ng 3 minuto
8.idagdag ang pamintia at miki noodles.lutuin ng 5 hanggang 6 na minuto
9.Ilagay ang cassava flour na tinunaw sa tubig at haluin. Lutuin hanggang sa lumapot ang sabaw
10.Patayin ang lutuan at ilagay ang hilaw na itlog. Haluin hanggang sa maluto
11.Ilagay sa bowl at ilagay ang mga karagdagang sahog sa ibabaw (chicharon at pinakuluang itlog, pati na rin ang onion leeks.)
12.Halina’t magpakabusog!

Comments